|
| At dahil ayokong mag-post ng dalawang blogs sa isang araw sa Multiply, dito ko ipo-post ang isa pang blog. :) Naiinis pa rin ako. Marami akong kinaiinisan. Unahin na natin ang mga kaibigan. Una, naiinis ako sa mga pagbabagong nagaganap sa kanila kapag nagkakaron sila ng lovelife. 'Di ko sila pwedeng sisihin dahil normal lang yun pero 'di ko lang talaga maiwasang hindi mainis. At sana, kapag ako naman ang nagkaron ng lovelife at magbago ako, maintindihan niyo ko! Hahaha! Sunod dyan, naiinis ako sa mga kaibigang parang hindi kaibigan kung umasta. Badtrip talaga. Tapos yung parang walang sariling identity. Alam mo na. Badtrip lang. Nakakainis talaga. Sana nga e kasingtapang ako ni Pia. (Di ko na sasabihin kung anung ginawa niya. Sikret na yun!) Tapos meron pa yung ganito... FRIEND: May reunion daw tayo! ME: Kelan? FRIEND: Dapat sa 28 kaso ibang date na lang daw. Ite-text kita. ME: Sige. FRIEND: Tol, baka raw pala gusto mong bilhin yung pabango ni ano. CK. 3k. ME: Di ako mahilig dyan. FRIEND: Ganun ba? Pautang na lang daw! Hehe! (Di ako nagreply.) FRIEND: Sabay di nagreply o! ME: Wala akong ipapautang FRIEND: Galit ka nyan? (DI NA KO TALAGA NAG-REPLY. NAINIS NA KO. SIYA PA MAY GANANG MAGSUNGIT. BWISETTTTTT!) Tapos ito pang isa. May isang friend kasi ako na kakahiwalay lang sa girlfriend niya. Ngayon, nagpalit siya ng number. Wag daw ibigay kay ex. Tulungan daw namin siyang mag-move on. Leche. Tapos nakita kong may post siya sa Friendster. Ang subject, "PENGENG GIRLFRIEND" Leche ulit. Pisti talaga mga tao! Wala lang. Affected ako e, bakit ba? Ayun. Marami pa kong inis na tinatago sa loob ko. Gusto kong i-blog para mawala 'to. Alam niyo na, outlet ko ang Xanga at Multiply. Oh well papel... Sa susunod ulit. | | |
| Dear Mr. Nani Naguit, NAMI-MISS NA KITA. NAIISIP KITA NG MADALAS. MINSAN PA NGA, LUMILINGA AKO SA ABANGAN NG FX NA PAPUNTANG MALOLOS DAHIL NAGBABAKASAKALI AKONG MAKITA KA. PROUD PA DIN AKO SA'YO. GUSTUNG-GUSTO KO PA DING MAGKWENTO TUNGKOL SA'YO SA MGA KAIBIGAN KO KAHIT WALA NA TAYONG KOMUNIKASYON. SANA MAKAUSAP NA KITA ULIT. NARARAMDAMAN MO BA KUNG GAANO KITA NAIS MAKITANG MULI? TANGINA. Lihim pa ring umaasa, Graxa Giangan | | |
| Kailan ka nga ba dapat tumigil na maging isang kaibigan sa isang tao? Counted ba yung kapag sinimulan niyang magtago ng mga bagay-bagay sa'yo? E yung kung gamitin niya ang mga weaknesses mo against you para lang masabi niyang MAS siya sa'yo? E kung hindi siya sumama sa'yo kapag niyayaya mo siya? At kung sasama man siya sa'yo, di mo pa rin masabi ang mga gusto dahil alam mong ide-deny niya lang ang mga bagay-bagay na naoobserbahan mo. O di kaya nama'y hindi ka niya pakikinggan sa mga nais mong sabihin dahil busy siya kaka-text o kaya'y kakakwento tungkol sa sarili niya? At syempre, mas iniintindi niya ang sarili niyang issues kesa sa dapat mong sabihin. Alam kong may kasalanan at pagkukulang din ako. Kaya lang, paano kung naaapektuhan na ang mismong pagkakaibigan dahil sa mga issues niyang ito? Paano kung hindi na kami maka-reach out sa taong 'to dahil pinipilit niya kaming inilalayo? Paano kung IBA na ang turing niya sa amin? Paano kung kahit gaano kami handang makinig at kausapin siya, e siya mismo ang ayaw lumapit? Paano kung hindi niya maramdamang andito lang kami at handa kaming tanggapin ang mga pagkakamali niya? At mas lalong handa kaming tumawa kasabay niya kung may masayang nangyari sa buhay niya? Hanggang saan nga ba ang pagkakaibigan? Alam kong may limitasyon pero alam ko rin naman kung ano ang definition ng tunay na kaibigan. OH, YES! I HATE TO ADMIT IT BUT WE'RE SLOWLY DRIFTING APART. PLEASE STOP BEING TOO DENSE. PLEASE HELP ME SAVE THIS FRIENDSHIP. PLEASE LET US SAVE YOU OR HELP YOU, AT LEAST. | | |
| Gusto ko lang mag-vent. Gusto ko lang ipaalam sa mga tao na HINDI AKO MAHILIG SA COMPETITION. Ni minsan sa buhay ko, hindi alp nakipagpagalingan sa kahit kanino. Alam ko naman na I love talking about myself. Pero yung tipong ikukumpara ko yung sarili ko sa iba, hindi ko gawain yun. SOBRANG HINDI. That's the reason why I don't understand people who compete with me. I don't understand why they have to use my weaknesses just to compare themselves to me. It's not my fault na ganito ang style ko sa buhay. Na kahit sobrang petiks ako e, I still get what I want and I don't fail in any aspect of life--or at least I think I don't. It's not my fault that I am a very happy person and that I handle everything in a manner na hindi ako parang nasisiraan ng bait. It's not my fault na ganito ako mag-isip. Ganun kasimple. Naiinis lang kasi ako sa iba na salita ng salita sa iba na ganito ako or ganyan ako. E sinubukan ba nilang tignan yung sarili nila? Ang akin lang, YOU DON'T HAVE TO TELL PEOPLE ALL THE STUFF THAT YOU KNOW ABOUT ME. Kasi aminado naman ako sa mga shortcomings ko. The reason why I can make fun of myself is because I already know what's wrong with me. Aminado rin ako sa pagiging tamad ko. At hindi ko sineseryoso ang isang bagay na walang akong bilib kahit konti. Pag gusto ko naman, consistent ako. Pag hindi, sorry. Ganun lang kadali ang buhay para sa'kin. I promised myself to not be so emo sa mga eksenang mangyayari sa buhay ko. Sabi nga ng isang kaibigan ko, nasa tao naman yan kung paano niya i-handle ang mga bagay. E ganito ako e. Ayokong bigyan ng problema ang sarili ko. Masama ba kung hinahanda ko ang puso at isip ko para sa mas malaking bagay pa? Hindi naman, di ba? ANG AKIN LANG, huwag niyo akong idamay sa drama ng buhay niyo. Kung kailangan niyo ng kausap, karamay o kung anumang klase ng tulong, andito ako. Pero utang na loob, may mga pinagdadaanan din naman ako. WAG NIYO AKONG IDAMAY! Huwag niyo akong gawing outlet sa mga frustrations niyo sa buhay. Huwag niyo akong ikumpara sa inyo dahil para sa akin, wala akong katulad. Walang mas magaling sa'kin at hindi rin ako mas magaling kesa sa kahit kanino. Nanlalait ako, nagtataray ako, nagrereklamo ako pero hanggang dun lang yun. Sobrang effort ang pilit kong paglalayo ng sarili ko sa ibang tao wag lang ako maikumpara sa kanila. Ganito ako magdamit, ganito ang buhok ko, ganito ang mga gusto ko, ganito ang mga ginagawa ko kasi gusto kong i-maintain ang pagiging unique ko. Kaya pwede ba, TIGILAN NIYO KO! Tigilan niyo ang pagdidikit ng mga sarili niyo sa'kin! WALA AKONG KATULAD. WALA KA RING KATULAD. PERIOD. | | |
| And suddenly, I feel so alive again. I felt as if every air that I breathe, every little thing that I see, every song that I hear, and every person I meet is a manifestation of love --of the love that I see around me. --of the love that's everywhere. --of the love that, I know, I have with me all this time. It just feels so good to know that I am more than okay now. And suddenly, I realized that, after all, anger was already out of my system. Maybe I was just too busy doing things that I thought an unattached person like me should be doing. After a long time of carrying all the negative vibes in my heart, It really feels so good. I know that I am really okay now. And suddenly, love is overflowing in my heart again. It's as if I just felt this feeling for the first time. Now, I have so much love to give. I don't care if I don't have anyone to share it with yet but one thing's for sure, I am full of love again. I just know that I am. ------------------------------------- I guess that this poem is just my way of saying that I am ready to fall in love again. I'm not rushing, though. I just love the feeling and the good vibes that the feeling itself gives me. Naranasan mo na ba na pagkatapos na makarinig ka ng isang kanta o kaya'y makanood ng isang pelikulang tungkol sa pag-ibig ay parang bigla ka na lamang nakaramdam ng nag-uumapaw na pag-ibig sa puso mo? Na para bang ng sarap ng pakiramdam mo at pakiramdam mo ay inlab ka kahit wala ka namang boyfriend o girlfriend? Ganyan na ganyan ang pakiramdam ko ngayon. INLOVE AKO, Walang sino o kailan, wala ring paano at bakit. Basta punung-puno ako ng pag-ibig ngayon at handa na akong magbigay ulit. Handa na kong sumubok at sumugal ulit. Ito na siguro ang pinakamasarap na parte ng pagle-let go. Yung isang araw, magigising ka na lang na kung magkakaroon ka ng bago, mabibigay mo na ang sarili mo ng buo dahil wala ng galit o kahit anong negatibong enerhiya sa puso at isip mo. I can go on an on talking about how I feel right now kaso lang baka Magsawa na kayo. Haha! Basta yun na yun. Let's all have faith in everything. 
| | |
|
|